Nagbukas ng opening para sa mga gustong maging huwes sa 10 probinsya sa Southern Tagalog ang pamunuan ng Judicial and Bar Council o JBC.
Ayon sa Judicial and Bar Council, kailangan nila ng 99 na huwes para sa mga probinsya ng Batangas, Cavite, Laguna, Marinduque, Mindoro Occidental, Mindoro Oriental, Palawan, Quezon, Rizal, at Romblon.
Kailangan umano ito para sa regional trial courts (RTCs), municipal trial courts (MTCs), at municipal trial courts in cities (MTCCs).
Para sa mga gustong mag apply o di kaya’y may gustong irekomenda, maaring mag-pasa ng kompletong dokumento sa opisina ng Judicial and Bar Council bago ang August 29, 2017.
Ayon kay Supreme Court (SC) Clerk of Court Felipa B. Anama, ex-officio secretary ng JBC, hindi nila tatangapin ang mga application o recommendation gamit ang email kung hindi kompleto ang dokumento o walang transmittal letter.