Pinababalik sa trabaho ng Civil Service Commision Region IV ang pitong (7) empleyado ng Munisipyo ng San Andres na tinanggal ng munisipyo noong January.
Kinilala ang pito na sina Lyn Macuha, Myla Galang, Rumel Mayor, Marissa Dalino, Julita Obrique, Jean Crisosto at Salvie Balog; mga empleyado ng munisipyo na may permanenteng pwesto.
Karamihan umano sa kanila ay mga labor workers, at isa naman ay isang Clerk ng munisipyo at ilan umano’y nagtatrabaho na ng mahigit 10 taon sa munisipyo.
Ayon sa desiyon ng CSC Region IV, pinababalik ang pito at pinababayaran sa munisipyo ang sahod na hindi naibigay sa mga empleyado simula January.
Nagsimula ang issue ng pitong empleyado ng mabigyan sila ng magkasunod na unsatisfactory rating sa magkasunod na 6-buwan noong 2016 ng Performance Management Team (PMT) dahil umano sa kapabayaan sa kanilang mga trabaho.
Ayon kay dating Municipal Administrator Herman Deoso na isa sa miyembro ng PMT, nagbigay umano siya ng unsatisfactory rating laban sa pito dahil kapag pumupunta umano siya sa mga stations ng pito wala umano sila at makikita niya lamang kapag nagsusulat na sa attendance book.
Paliwanag naman ng pito sa Civil Service Commision, pinupulitika umano sila ng kasalukuyang alkalde ng bayan ng San Andres na si Fernald Rovillos dahil sila umano’y mga nilagay sa pwesto ng dating administrasyon. Nagtatrabaho rin umano sila ng maayos, taliwas sa ibinigay na performance ng PMT.
Itinanggi naman ito ni Mayor Rovillos, aniya, gusto niya sana umanong ibalik ang mga ito ng matanggap nila ang order ng CSC Region IV kahapon ngunit sinabi umano sa kanila ng PMT na ipaglaban umano ang kanilang desisyon dahil sigurado umano sila rito.
Ani ni Rovillos, tumatalima lang umano sila sa batas at hindi pa umano ito final decision dahil iaakyat pa umano nila ang kaso sa Central Office ng Civil Service Commision.
Letter From CSC Regional Office No. IV Re San Andres Employees by Paul Jaysent Fos on Scribd