Limampung magsasaka mula sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Romblon ang nakatanggap ng libreng binhi ng alay at abonong urea mula sa Department of Agriculture (DA) sa ilalim ng Rehabilitation Intervention Program.
Ang Office of the Municipal Agriculturist – Romblon ang nanguna sa pamamahagi nito sa magpapalay sa mga barangay na kinabibilangan ng Lonos, Agnay, Mapula, Ginablan, Agnipa, Ilauran, Tambac, Macalas Lamao, Calabogo at Li-o.
Bago ang pamamahagi ng ayuda para sa mga magsasaka, nagkaroon muna ng maikling pagpupulong kung saan sinabi ni OMAg Officer-In-Charge Raymund Juvian Moratin na walang kaakibat na kabayaran o kondisyon sa kanilang ipinamahaging binhi at abono.
“Kailangan lamang nilang itanim ito at palaguin ng maayos upang magkaroon sila ng kabuhayan o pagkain”, ayon pa kay Moratin.