Ginunita kahapon, July 12, ng mga ahensya ng national government at local government sa bayan ng San Agustin ang 3rd Annual Arbor Day.
Ang Arbor Day ay kalimitang pinagdiriwang tuwing katapusan ng April kung saan nagsasama-sama ang iba’t ibang grupo upang magtanim ng mga puno at seeds.
Sa San Agustin, nagsama-samang nagtanim ang mga tauhan ng Philippine National Police, Department of Education, Commision on Higher Education, Technical Education and Skills Development Authority, Municipal Social Welfare and Development Office, Local Government Unit, Department of Environment and Natural Resources, Department of Interior and Local Government, Philippine Coast Guard at iba pa.
Nakapag tanim sila ng aabot sa mahigit 100 seeds ng puno ng Nara, at Mahogany.
Hinamon naman ni Mayor Denon Madrona na present rin sa tree planting activity ang mga tao na pangalagaan ang mga puno at ang kalikasan para hindi masira ang Mother Earth at mabawasan ang pagdurusa ng mga tao sa Climate Change.
Ang pagdiriwang ngayong taon ay may temang: “Climate Change is Coming! Are you Ready?”.
Ilang mga estudyante rin ang nagpresenta ng iba’t ibang artwork patungkol sa kalikasan at climate change sa pamamagitan ng mga posters.