Halos dalawang daang (200) benepesyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4Ps mula sa iba’t-ibang munisipyo ng lalawigan ng Romblon ang libreng nagtapos sa 10 Days Pre-Licensing Training Course for Security Guards alinsunod sa programa ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Bukod sa pagbibigay ng Micro enterprise na mula sa SLP, layunin nitong tulungan ang mga kababayan nating maiahon sa hirap ang pamumuhay ng bawat Romblomanon sa pamamagitan ng Employment Facilation ng parehong programa at ahensya.
Ang mga nagtapos ay tutulungan ng isang Training Institution upang mabilis at agarang magkaroon ng trabaho kapag na comply na agad nila ang mga kinakailangan dokumento na kung saan ay bibigayan pa din ng DSWD ng cash assistance ang mga ito.
Nang kapanayamin ng Romblon News Network ang si James Baustita ng Looc at isa sa mga top performer ng training sinabi nitong malaki umano ang nagbago sa buhay niyo dahil sa nasabing training.
“Malaki ang nabago sa buhay ko, mainitin kasi ang ulo kaya nga ako nawala sa una kong trabaho. Pero napansin ko na unti-unti ng nawawala yun dahil sa training na to at makakatulong na ako sa pamilya ko, Kaya malaki ang pasasalamat ko sa DSWD,” pahayag ni Baustita.