Umaabot ng 18,210 household sa buong lalawigan ng Romblon ang miyembro at nabibigyan ng tulong ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Department of Social Welfare and Development.
Ito ang mga datus na inilabas ng Department of Social Welfare and Development Romblon ng sila ay mag present ng kanilang update sa ginanap na Provincial Interagency Advisory Committee 2nd Quarter Meeting ngayong araw, July 14, sa Senior Citizens Building sa bayan ng Odiongan, Romblon.
Batay sa datus ng Department of Social Welfare and Development Romblon, pinakamarami ang bayan ng Romblon sa beneficiary na may 1,827 habang pinakamaliit namang may beneficiary ang bayan ng Banton, na kung saan mayroon lamang 287 katao ang miyembro sa programa.
466 katao sa listahan ng DSWD-Romblon na miyembro ng 4Ps ay mga college student, habang 158 naman sa mga household heads ay persons with disability.
Ang mga nabanggit na College student ay tumatanggap umano ng P30,000 kada semester na allowance galing sa DSWD na kung saan ito ang kanilang pinambabayad sa kanilang tuition, miscellaneous fees, boarding house, at pang gastos sa paaralan habang nag-aaral.
Batay rin sa datus ng Department of Social Welfare and Development Romblon, umabot na ng P101,872,900 ang kanilang nailabas na budget para sa mga pamilyang miyembro ng 4Ps nito lamang January hanggang June 2017.