May aabot na sa labing isa na centenarian o yung may edad 100 pataas sa buong lalawigan ng Romblon ang pwedeng makatanggap ng P100,000 na ayuda.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development – Romblon (DSWD-Romblon), apat sa kanila ay nakuha na ang P100,000 habang ang 7 naman sa kanila ay patuloy na inaayos ang kanilang mga papeles.
Sinawing palad na umano kasi ang 7 sa kanila bago pa ma-downgrade ang budget para sa kanila kaya inaayos pa sa kani-kanilang pamilya kung sinong tatanggap ng P100,000 para sa kanilang nasawing mahal sa buhay.
Paliwanag ng opisyal ng DSWD-Romblon, bago pa naman umano sila masawi ay naibilang na sila sa mga Romblomanon na may edad na 100 o natapos na-asses na sila ng mga kinatawan ng DSWD.
Isa rin sa mga nabigyan ng ayuda ng DSWD ay si Lola Maria Cajilig ng Alcantara, Romblon na ibinalita noon ng Romblon News Network.
Maliban kay Lola Maria, may mag nailista ring centenarian sa mga bayan ng Romblon, Odiongan, looc, Corcuera, Sta. Maria, at Magdiwang.
Payo ng DSWD sa mga pamilyang may mga matatanda na (edad 99), pwede umano silang pumunta sa DSWD at mag pa-asses agad bago sumapit ang ika-100 taon ng kanilang centenarian para pagdating ng 100 ay makakatanggap sila ng ayuda.