Inaalam pa ng mga awtoridad kung bakit pinayagan ng Coast Guard Station sa Magdiwang, Romblon na maglayag ang M/B Alad Express 2 na may lulang mahigit sa maximum passenger capacity nito.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, 50 katao lang ang maximum passenger capacity ng nasabing bangka ngunit base sa datus na hawak nila may 5 kataong hindi nakalista sa manipesto na ipinasa ng nasabing bangka sa Coast Guard Station Magdiwang.
Nitong Biyernes ng hapon ng ma-rescue ng mga awtoridad ang mga crew ng bangka, ipinaliwanag nila na dahil umano sa malakas na hangin kung bakit tumaob ang kanilang bangka.
Ilan rin sa mga pasahero ang nagsasabing may ipo-ipo umanong tumama sa bangka nila kaya bigla itong tumaob.
Ilang pasahero rin ang nagrereklamo dahil hindi umano itinuro ng mga crew kung saan nakalagay ang life jacket bago sila umalis ng pantalan ng Magdiwang.
Paliwang ng mga crew, binigay umano nila ang life jacket ngunit tinanggal rin nila sa katawan pagkaalis nila ng pantalan.
Nitong Sabado, sinabi ng Romblon Municipal Police Station sa Inquirer na sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide ang boat captain at ang crew ng lumubog na bangka.kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide ang boat captain at ang crew ng lumubog na bangka.