Isang estudyante ng Odiongan National High School sa bayan ng Odiongan sa Romblon ang nahimatay matapos ang isinagawang 2nd National Simultaneous Earthquake Drill ngayong araw sa nasabing paaralan.
Agad na dinala ang estudyante sa nurse station kung saan naka standby pa ang mga nurse na lumahok sa earthquake drill.
Nahimatay umano ang estudyante matapos na mabilad sa init matapos lumabas ng school building bilang bahagi ng ginagawang drill.
Nahimasmasan rin siya matapos ang ilang minuto.
Isang estudyante rin ang inatake ng hika matapos rin ang nasabing drill, agad rin siyang ginamot ng mga nurse.
EARTHQUAKE DRILL
Sa pangkalahatan naging matagumpay rin ang isinagawang 2nd National Simultaneous Earthquake Drill sa nasabing paaralan kaninang alas-2 ng hapon.
Pagpatak ng alas-2 kasabay ng malakas na tunog ng sireno, sabay-sabay na nag ‘duck, cover, and hold’ ang mga estudyante ang mga guro ng nasabing paaralan
Ilang minuto pa, dumating na ang mga rescue units at personnel ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Odiongan, mga kapulisan, Bureau of Fire Protection, at mga rescue volunteers para sa kunwaring rescue operations.
Pito sa mga estudyante kunyari ang hindi nabilang ng mga guro at naiwan sa mga loob ng building.
Dalawa sa mga estudyante ang ibinababa nga mga tauhan ng PNP galing kunyari sa 2nd floor na nasirang school building gamit ang lubid.
Dinala sila sa nurse station at matapos mabigyan ng first aid, isinakay na sa mga rescue vehicle.