Ganap ng isang batas libreng serbisyo ng libing para sa mahihirap sa bayan ng San Agustin na inapbrubahan ng Sangguniang Bayan at nilagdaan na ito ni Mayor Esteban Santiago F. Madrona.
Ang Municipal Ordinance No.7-2016 – An Ordinance establishing guidelines in the provision of Free Burial Services for the Poorest of the Poor of San Agustin, Romblon ay mabilis na umusad at agad na naipasa sa konseho dahil sa karamihan ng mga konsehal ay pumabor dito.
Layunin nito ang mabigyan ng agarang tulong ang bawat pamilyang walang kakayahang pinansyal para sa marangal, maayos at disenteng serbisyo sa kanilang patay ng sa gayon ay magkaroon ang bawat pamilya ng kapanatagan ng loob na kahit sa huling sandali ay maituon nila ang kanilang mga alaala sa kanilng namayapang mahal sa buhay.
Batay sa ordinansa, dapat ay taal na taga-San Agustin ang namatay o matagal ng residente ng naturang bayan, lehitimong kasapi ng isang mahirap na pamilya at kailangan may sertipikasyon ng pagiging mahirap mula sa kapitang nakakasakop sa kanila.