Kung ang hanap mo ay isang classy international cuisine na nasa murang halaga lamang ang presyo? Subukan na ang mga ‘the best of all the best’ cuisine ng isang bagong tayong restaurant sa bayan ng Alcantara.
Ang Dew Forest Garden na matatagpuan sa National Road sa Sitio Taboc, Poblacion, Alcantara, Romblon ay nag-offer ng pagkain para sa agahan, tanghalian, dinner at ang paborito ng barkada, ang meryenda.
Nito lamang March 20 binuksan sa publiko ang Dew Forest Garden para bigyang ng bagong panlasa ang mga bumibisita sa bayan ng Alcantara.
Ilan sa mga patok na luto ng kanilang 5-star Chef na nagsanay pa sa Boracay ay ang Seafood Curry, Spicy Chicken Teriyaki na nakalagay pa sa pinya, at marami pang iba.
At dahil kilala ang Alcantara sa Saginyogan Festival, naisip ng Dew Forest Garden na bumuo ng Shake at Frappe na Saginyogan Festival inspired. Ito ay ang Saginyogan Shake at Saginyogan Frappe.
Ang Saginyogan Shake at Saginyogan Frappe ay may sangkap na sabaw ng buko at saging.
Hindi lang pagkain ang maganda sa lugar dahil ‘Instagrammable’ rin ang loob at labas ng kanilang restaurant dahil sa magandang architectural design nito.
Ang Dew Forest Garden ay bukas araw-araw mula alas-10 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi.
Para sa iba pang detalye, tumawag lamang sa 0956 538 8635 o di kaya sa kanilang facebook page sa https://www.facebook.com/pg/dewforestgarden