Sama-samang naglunsad ng coastal clean-up drive ang mga opisyal at kawani ng bawat ahensya ng pamahalaang bayan ng Romblon noong Hunyo 23 sa kahabaan ng dalampasigan ng Sitio Bonbon, Brgy. Lonos
Nanguna sa pamumulot at paghahawan ng mga basura si Mayor Mariano M. Mateo kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Romblon.
Kanya ring pinaalalahan ang mga residenteng naninirahan malapit sa dalampasigan na dapat sila mismo ang mangasiwa sa pagpapanatili ng kalinisan ng kanilang paligid.
Sinabi rin ni Mateo na dinarayo o pangunahing pinupuntahan ng mga turista ang Bonbon beach dahil sa maputing buhangin nito at sand bara kaya dapat lang na datnan nila ito ng malinis.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng team building o family day ngayong taon ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Romblon.