Patuloy ang pag-angat ng bilang ng mga empleyado ng gobyerno o di kaya’y mga politiko ang nadadakip ng mga tauhan ng Philippine National Police sa MIMAROPA.
Sa Calapan City, naaresto ng mga tauhan ng RDEU-MIMAROPA at CDEU-Calapan CPS kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency MIMAROPA ang isang barangay kagawad ng Barangay Sta. Isabel.
Kinilala ang suspek na si Konsehal Marlon Esteves Fabros, 52 taong gulang.
Ayon sa Regional Police Information Office MIMAROPA, nadakip sa buy-bust operation si Fabros matapos mabilhang ng di umanoy pinagbabawal na shabu.
Nakuha sa posisyon ni Fabros ang 7 sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu, at P500 na marked money bill.
Nakakulong na ngayon ang suspek sa RDEU Office para sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilalang Dangerous Drugs Act of 2002.