Lingid sa kaalaman ng marami, may lokal na bersyon sa Pilipinas ang tinaguriang Bermuda Triangle. Tinawag ng writer at researcher na si Alden Alag na ‘Romblon Triangle’ ang lugar sa Romblon province na nasa gitna ng Concepcion municipality, Dos Hermanas islands (Isabel at Carlota islands) at Sibuyan island.
Ang nasabing local version sa ‘Pinas ng Bermuda Triangle na sinasabing ‘isinumpa’ ay pinaniniwalaang may sala sa halos 40 aksidente sa karagatan na nagsimula noong early 80’s. Kinabibilangan ng mga trahedyang ito ang M/V Don Juan Tragedy (1980), M/V Dona Paz Tragedy (December 1987), at M/V Princess of the Stars Tragedy (June 21, 2008).
Ayon sa mga native ng Romblon, naririnig nila ang istory tungkol kay ‘Lolo Amang’ at ang kanyang ginintuang barko. Sabi pa sa alamat, nagpapakita ang nasabing ginintuang barko sa mga mangingisda bago magkaroon ng trahedya sa nasabing lugar. Pero mawawala rin ang barko kapag nagdilim na ang karagatan. Kahit pa nakakamangha ang istory at hindi kabilib-bilib ay walang maibigay na paliwanag kung bakit maraming buhay na ang kinitil ng nasabing lugar sa Romblon.
Sabi naman ng Philippine Coast Guard, ang mga pangyayaring ito ay gawa lamang ng bagyo o navigational errors.
Kayo ba, naniniwala sa kwento ni Lolo Amang at ng kanyang giningtuang barko? Kayo na ang humusga.
Sources: http://www.philstar.com/para-malibang/2017/05/28/1704250/bermuda-triangle-ng-pinas