Nangangalap na ang tanggapan ni Vice President Leni Robredo ang relief goods at iba pang mga tulong para sa mga sibilyan na naipit sa bakbakan ng militar at Maute group.
Katulong ang Kaya Natin! Movement for Good Governance and Ethical Leadership, nag-iipon ang opisina ni VP Leni ng tulong pinansiyal para sa pangangailangan ng mga taga-Marawi.
Nangangalap din ang opisina ni VP Leni ng pagkain, hijab at damit na nakababalot sa buong katawan, kumot at banig, gamit na panlinis sa katawan, gamot at first-aid kit, portable lamp at power bank na ipamamahagi sa mga taga-Marawi na nananatili sa evacuation centers.
Bilang bahagi ng kanyang programang “Stand With Marawi”, nakatakdang maglagay ang tanggapan ni VP Leni ng command center sa Cagayan de Oro at Iligan City para tumanggap ng tulong para sa mga taga-Marawi.
Sa oras na matapos ang kaguluhan sa Marawi at ideklara ng militar na normal na ang sitwasyon, agad ding magbibigay ng tulong ang tanggapan ni VP Leni sa lungsod.
{googleads right}
Para kay VP Leni, mahalaga sa ngayon ay maabot ang mga kababayan natin sa Marawi na nawalan ng tirahan at kabuhayan dahil sa labanan ng military at Maute group.
Aniya, ang pagkilos na ito ng Office of the Vice President ay bahagi ng pangako ni VP Leni na tutulungan ang lahat ng ating mga nangangailangang kababayan, sa abot ng kanyang makakaya.
Kasabay ng pangangalap ng tulong para sa mga taga-Marawi, patuloy na binabantayan ni VP Leni ang sitwasyon sa lungsod sa tulong ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Tandaan: Ang tao’y nilalang na politiko pero mas madalas ang politiko’y nanlilinlang ng tao! (Twitter: follow@dspyrey)