Patuloy ang pag-usbong ng iba’t ibang mga palaro sa lalawigan ng Romblon lalo na ang larong Basketball katunayan nito ay ang kabi-kabilang pa liga ng mga basketball mapa-Barangay man o Munisipyo.
Pinakuhiling nasaksihan ng Romblon News Network na pa-liga ay sa bayan ng Corcuera sa Simara Island na kung saan pinangunahan ng Romblon Referees and Coaches Association ang nasabing palaro.
Ang Romblon Referees and Coaches Association ay accredited member ng Samahang Basketball ng Pilipinas na kung saan binuo noong June ng nakaraang taon sa pamumuno ni Job Crisauro Fallar.
Ayon kay Fallar, ang RoRCA ay may mga referees na pwede mag officiate sa mga laro katulad ng Basketball, Volleyball, Softball, Soccer Foot Ball at iba pa na ball games na nilalaro sa Palarong Pambansa.
{googleads right}
Dagdag ni Fallar, ang maganda umano sa RoRCA ay updated ang mga court rullings nito batay sa international standard na ginagamit ng mga sports association katulad ng International Basketball Federation o FIBA.
Maliban sa pag-officiate sa mga laro, ang RoRCA rin ay active sa mga sports clinic para sa mga kabataan, isa umano ito sa mga tulong ng grupo para maiwasan ang pagkakalulong ng mga kabataan sa mga iligal na gawain.
Para sa bookings sa grupo ng Romblon Referees and Coaches Association para sa inyong mga palaro o paliga, maari silang kontakin sa 09082378855, hanapin lamang si Job Crisauro Fallar.