Libre na ang tuition ng mga estudyante sa Romblon State University ngayong first semester ng academic year 2017-2018 ayon sa inilabas na memorandum ng pamunuan ng unibersidad.
Iniuutos sa Memorandum 054, series of 2017 na naka-address sa mga Campus Directors, Deans, at Collecting Officers ng bawat Campus, na i-admit lahat ng enrolling students ngayong first semester ng academic year 2017-2018 ng walang sisingiling tuition fee ang paaralan base na rin sa joint memorandum circular na nilabas ng Commission on Higher Education at Department of Budget and Management.
Ayon sa Joint Circular na pinangalanang ‘Free Tuition 2017’, ipa-prioritize ng mga State Universities at Colleges sa Pilipinas ang pagbibigay ng libreng tuition sa mga continuing students ng paaralan, dipende sa availability ng free tuition funds.
Ang priority sa ‘Free Tuition 2017’ ay ang mga continuing students na:
- Graduating students na isang semester o di kaya’y isang academic year nalang ang kailangan tapusin
- Non-graduating students na miyembro ang pamilya ng 4P’s ng DSWD
- Non-graduating students na hindi kasama sa 4P’s pero kasama naman sa Listahanan 2.0
- At iba pang Non-graduating students ng paaralan
Huli-huli namang priority ang mga New Enrollees at Returning Students ng unibersidad
Ayon naman kay Justin Adriel Decastro, Supreme Student Council President ng RSU Main Campus, sapat ang budget ng Romblon State University para mabigyan ng libreng tuition ang lahat ng estudyante sa buong lalawigan. Ibig sabihin tanging miscellaneous nalang ang babayaran ng mga estudyante ngayong first semester ng academic year 2017-2018.
How to Enroll for the Free Tuition 2017
Para maka-avail ng Free Tuition Program ng Gobyerno, sundin lamang ang sumusnod:
- Punan ang Free Tuition Form na pwedeng kunin sa mga admision office ng Romblon State University o di kaya sa SSC Office ng Romblon State University Main Campus
- Ihanda ang mga sumusunod: completed and approved registration forms, 4Ps identification card if applicable, proof of income katulad ng Income Tax Return (ITR), BIR Form 2316, BIR Certificate of Exemption from Filing of ITR, Barangay Certificate of Indigency, Certification from the DSWD, Overseas Filipino Worker (OFW) Certificate, Employment Contract for OFW
- Ihanda ang mga grades noong nakaraang semester kung continuing o returning students
- Isubmit sa Admission Office ang completed and approved registration form at 4Ps identification card o proof of income para sa approval
- Dalhin sa Office of the Students Affairs para masama sa mga beneficiaries
- Pumunta sa casher para magbayad ng miscellaneous fees
Tulong-Dulong Program
Maliban sa Free Tuition 2017 Program ng Gobyerno, tumatanggap rin ang Tulong-Dulong program ng CHED ng mga scholars galing rin sa unibersidad.
Pwede kayo makatanggap ng P6,000 na cash aid galing sa gobyerno para ngayong semester kung kaya ay pasok sa kanilang qualifications.
Ang kailangan lang para sa nasabing programa ay dapat ang iyong mga magulang ay hindi tataas ang combine na sahod sa PhP300,000.
Ang pag-apply rin sa nasabing programa ng gobyerno ay katulad rin sa proseso ng Free Tuition 2017.