Inilabas na ngayong Huwebes ng gabi, May 11, ang resulta ng katatapos lang na May 2017 Civil Engineering Board Exam na ginanap sa mga lugar ng Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Pagadian, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga.
Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), umabot sa 2,514 out of 6,998 ang nakapasa sa nasabing pagsusulit.
Sa Romblon State University, may anim (6 out of 35) na graduate ng nasabing unibersidad ang nakapasa, ito ay sina Engr. Mary Joy Fronda na tubong San Agustin, Engr. Kim Montesa na tubong San Andres at Engr. Kahlen Ze Montoya na tubong Odiongan; Ang tatlo ay mga graduate noong 2016. Pasado rin sina Engr. Jake Cortez, Engr. Bryan Manzano, at Engr. Alvin Mariño.
Ang PRC Board of Civil Engineering ay binubuo ni na Chairman, Engr. Praxedes P. Bernardo kasama ang kanyang mga miyembro na sina Engr. Pericles P. Dakay and Engr. Romeo A. Estañero.
{googleads right}
Hindi pa inaanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) kung kailan ang oath-taking ng mga nakapasa.