Kasunod nang pagdeklara ng Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao dahil sa pag-atake ng grupong Maute sa Marawi City, hinigpitan rin ng Philippine National Police ang kanilang pagbabantay sa mga vital areas sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa probinsya ng Romblon, nagkaroon na rin ng checkpoints sa ilang munisipyo katulad nalang sa bayan ng Santa Maria kung saan may mga nasita silang mga motoristang may mga motorsiklong walang mga plaka.
Sa bayan ng Alcantara, mas pina-igting rin ng Alcantara Municipal Police Station ang kanilang pag papatrolya sa mga vital points sa lugar katulad nalang ng palengke, plaza at sa Romblon Airport sa Barangay Tugdan.
Ayon sa Philippine National Police naka full alert status ang buong kapulisan sa bansa dahil sa banta ng terorismo. Ito rin ang dahilan kaya ang ilang mga naka-leave na pulis ay kinakailangan na bumalik agad sa duty sa mga naka-tokang estasyon.
Sinabi naman ni Supt. Imelda Tolentino, spokeperson ng MIMAROPA police sa Inquirer, na nakatutuk ang buong MIMAROPA Police sa Palawan province kung saan maraming turista ang dumadagsa lalo pa ngayong hindi pa natatapos ang summer break.