Hinihimok ang mga residente ng Sibale, bata man o matanda, na makilahok sa isang masaya at kakaibang ehersisyo na isinasagawa ngayon sa ibat-ibang barangay ng bayan, ang pagsasayaw ng Zumba.
Ang aktibidad na ito ay inisyatibo ng mga kawani ng Rural Health Unit (RHU) sa pangunguna nina Dr. Jemuel Chua at Ms. Lucille Falculan, RN.
Katuwang nila sa nasabing aktibidad ang mga miyembro ng barangay health workers at mga opisyales ng bawat barangay.
Layunin ng naturang dance exercise na maging health conscious ang mga residente, pasiglahin ang kanilang mga katawan lalo na yong mga nagnanais na magbawas ng timbang at maipaalam ang pagkakaroon ng magandang kalusugan.
{googleads right}
Suportado naman ng local na pamahalaan ang ganitong aktibidad para mapanatili umano ang magandang kalusugan ng lahat ng mga Sibalenhon.
Umaasa silang mas lalo pang dumami ang maglaan ng oras at sumali sa masayang ehersisyong pagsasayaw na ‘to ng Zumba.