Ang munisipalidad ng Calatrava na sa pamumuno ni Mayor Mariet Babera ang kauna-unahang bayan sa lalawigan ng Romblon na na-declare ng gobyerno bilang ‘drug-cleared’ municipality.
Ayon sa Police Regional Office MIMAROPA, dumaan muna ang 7 Barangay ng Calatrava na binubuo ng Balogo, Linao, Poblacion, Pagsangahan, Pangulo, San Roque, at Talisay sa masusing evaluation na ginawa ng Regional Oversight Committee on Anti-Illegal Drugs bago ito ma declare na ‘drug-cleared’.
Kasama rin na nag-validate sa mga barangay ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), the Armed Forces of the Philippines (AFP), local government units, at ilang stakeholders.
Maliban sa bayan ng Calatrava, dalawang bayan rin sa MIMAROPA ang na-declare nang ‘drug-cleared’ ng gobyerno; Ito ay ang mga bayan ng Mansalay sa Oriental Mindoro, at Magsaysay sa Occidental Mindoro.