Ipinagmalaki ng Police Regional Office MIMAROPA sa pamumuno ni Police Chief Supt. Wilben Mayor na umabot sa 175 na wanted personalitiesa buong MIMAROPA ang kanilang nadakip sa kabi-kabilang operasyon ngayong buwan lamang ng Mayo.
Dahil umano ito sa joint efforts ng PRO MIMAROPA, mga miyembro ng Regional Support Units, at iba pang Law Enforcement Agencies.
Ayon kay Police Supt. Imelda Tolentino ng Regional Public Information Office for MIMAROPA, 11 sa 175 ay mga most wanted person ng iba’t ibang munisipyo habang ang natitirang 164 ay nasa listahan ng ‘other wanter persons’ o OWP.
Base pa sa record ng Regional Investigation and Detective Management Division, may roon nang aabot sa 789 wanted persons sa buong MIMAROPA ang nadakip ng mga awtoridad magmula pa nitong pagpasok ng taon hanggang May 21.
Karamihan sa mga kaso ng mga naaresto ay Rape, Murder, Violation of RA 9262, Frustrated Murder, Homicide, Frustrated Homicide, Theft, Robbery, Rape in Relation to RA 7610, Acts of Lasciviousness, Reckless Imprudence Resulting to Serious Physical Injury at Estafa.