Sinabi ni Bise Presidente Leni Robredo ng ito ay bumisita sa lalawigan ng Romblon nitong Sabado, April 08, na ipapadala niya sa probinsya ang Angat Buhay Team niya para tumulong magbaba ng mga programa sa lalawigan ng Romblon.
Makakatulong umano ang mga maaring programang ibaba ng Angat Buhay Team nito sa mga kababaihan at mga magsasaka ng probinsya.
Ang ilan sa mga lugar na naging pilot areas ng Angat Buhay Program ng Opisina ni Vice President Leni Robredo ay ang mga lugar ng Aguyaya at Culion sa Palawan.
“Kami po sa amin pong opisina, kahit maliit yung aming budget, meron po kaming inilunsad na isang flagship program, ang Angat Buhay Program, isang Anti-Poverty Program,” pahayag ni Bise Presidente Leni Robredo.
{googleads right}
“Dahil na kwento ni Gov yung mga crops ninyo, naisip ko po na pwede naming papuntahin ang aming Angat Buhay Team. Para pwede tayong maghanap ng pagkakataon kung saan tayo pwedeng mag partner,” dagdag pa ng Bise Presidente.