Ibinahagi ni Vice President Leni Robredo ang ilang aral na natutunan niya umano ng ito’y bumisita sa South Africa para sa isang conference nitong nakaraang linggo.
Ayon sa Bise Presidente, hindi umano dapat gobyerno ang nagpaplano para sa mga pabahay sa mga informal settlers pero nanjan umano ang gobyerno para umalalay sa kanila sa pangangailangan nila.
Bigyan umano ng responsibilidad ang mga informal settlers na sila ang umasikaso sa kanilang sarili.
“Kasi nakikita natin ngayon maraming mga communities, maraming mga settlements na parang naghihintay lang ng grasya yung marami,” pahayag ng Bise.
{googleads right}
“Pero yung nakita natin sa South Africa, considered sila partners eh, sila yung mag paplano, sila yung mag dedecide kung alin ang available na lupa, kung saan ilalagay, anong style ng bahay, gaano kalaki at paano paplanuhin ang community,” dagdag pa ng Bise.
Ayon pa sa bise, mas sustainable umano ito kesa gumawa ang gobyerno. Ito umano ang dahilan kung bakit ang daming bahay ngayon na walang umuukupa kaya inuukupa na umano ng iba.
Si Bise Presidente Robredo ay nasa Romblon ngayong araw upang pangunahan ang pagpapasinaya sa Php4.9M na Bungoy Riverside Boulevard sa bayan ng Odiongan.
Umikot rin ang bise presidente sa Agri-Trade and Tourism Fare at nakipaghalubilo sa mga residente ng parehong bayan.
Samantala, tumanggi namang magkomento ang bise presidente sa iba pang issue pang national.