Napapanahon na siguro para magkaroon ng matinding “political will” ang ating pamahalaan kung talagang gusto nitong mapuksa at tuluyan ng maubos angmga bandidong Abu Sayaff na halos isang dekada nang nagbibigay ng sakit ng ulo sa ating gobyerno.
Hindi lamang nagbibigay ng matinding problema ang ASG sa ating gobyerno, kundi, inilalagay pa ang ating bansa sa napaka-teribleng kahihiyan. Ilang dayuhan nanga ba ang pinugutan nila ng ulo? At ilang dayuhan na rin ba ang kanilang dinukot at pagkatapos ay ipatutubos.
Nuong una, tila, nakakakitaan ng kaluwagan ang ating pamahalaan sa pagtrato nito sa ASG, sapagkat puro“lip service” lamang ang mga pahayag nito laban sanasabing bandidong grupo, habang patuloy ang pamamayagpag ng ASG sa pag-kidnap ng mga dayuhan.
Ang lagi kasi nating naririnig sa mga statement ng gobyerno sa nakalipas, ay “pupulbusin, uubusin, pupuksain”. Pero hanggang ngayon, tuloy parin ang mga masamang gawain ng ASG. At ang pinaka-matindi pa nito, walang nakamit na hustisya ang pamilya ng mga dayuhanna pinugutan nila ng ulo.
Ang pinaka-huli nga dito ay isang German National. Kung saan, in-upload pa mismo ng ASG ang isang video sa internet, makikita sa naturang video ang pamamaraan ng kanilang pagpugot sa ulo nung kawawang German National, masyadong karumal-dumal ang nilalaman ng nasabing video.
Parang naghahamon pa itong ASG sa kakayahan ng ating pamahalaan sa pagsugpo sa naturang bandidong grupo. Dahil nagawa pa nilang mag-upload ng video sainternet. Tila, inaasar pa ng ASG ang ating gobyerno, naparang sinasabi nila na: “Oh ano, ha, kaya niyo ba kami?”
Kaya, kailangan na talaga ng isang matinding“political will” para tuluyan ng mapuksa at mabura samundo ang ASG, sana huwag ng hayaan ng pamahalaanna muli na namang humirit ang bandidong grupong ito, ibig sabihin, huwag na sanang masundan yung kaso ng kawawang German National.
Dapat “pulbusin” at hindi “pulbuhan”. Kung talagang desidido ang gobyerno na tuluyan ng matapos ang ating problema sa ASG. Isang utos lang ng ating Pangulo sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na puksain na ang ASG, tingnan ko lang kung hindi mataranta ang mgamokong na ito.
Sang-ayon tayo sa naging pahayag kamakailan ni Pangulong Duterte na walang mangyayari at walang kahihinatnan kung magkakaroon ng negosasyon sapagitan ng gobyerno at Abu Sayaff Group (ASG). Tama yun, ano ba ng ating mapapala kung makikipag-usap tayo sa ASG.
Alam niyo, mas mainam pa siguro ang makipag-usap sa isang taong sinto-sinto dahil kahit papaano, ay mayroon din namang kaunting katinuan sa taong iyan. Siguraduhin niyo lang na hindi bilog ang buwan para kayo magka-intindihan, pero siguradong magsasayang lang tayo ng panahon at laway kung makikipag-usap ang ating gobyerno sa ASG.
Simple lang naman kasi ang tanong dito. Kapag ang ating gobyerno ba ay nakipag-negosasyon sa bandidong ASG. Una: Magkakaroon ba sila ng tinatawag na “palabra-de-onor” o word of honor? At Pangalawa: Nakahanda ba ang mga iyan na magbalik loob sa pamahalaan at tuluyan ng talikuran ang kanilang masamang gawain? Kung hindi mas mainam pa sigurong matulog na lang tayo at magkaka-muta pa tayo. Tandaan: Ang tao’y nilalang na politiko pero mas madalas ang politiko’y nanlilinlang ng tao! (Twitter: follow@dspyrey)