Walang dapat ikabahala ang ating mamamayan kaugnay sa serye ng lindol na nangyari sa iba’t-ibang panig ng ating bansa. Mismong Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs) ang pumawi sa kinatatakutang“The Big One” na tumutukoy sa isang napaka-lakas na lindol.
Ang pinangangambahang “The Big One” ay kasing lakas ng lindol na nangyari sa bansang Japan ilang taon na ang nakakaraan kung saan, ang intensity nito ay itinuring namalaking “catastrophe” sa nasabing bansa, hindi lamang mga buhay ang pinuksa nito, kundi pati natin sa ari-arian at hanap buhay ng mga Hapon.
Dahil diyan, tumatak sa isip at puso ng ating mamamayanang malaking sakunang nangyari sa bansang Hapon kung kaya’t mula noon, ay hindi na maalis-alis ang pangamba at takot ng mga Pilipino sa lindol, maging buong mundo.
Dito mismo sa ating bansa, sino ba sa ating ang hindi makakalimot sa ating sariling bersiyon ng “The Killer Earthquake” na nangyari noong July 16, 1990 kung saan ang siyudad ng Baguio ang naging sentro ng pinaka-malakas nalindol na kumitil sa napakaraming buhay at sumira sa maraming ari-arian.
Kahit 27 taon na ang nakakaraan mula ng maganap ang nasabing killer earthquake parang sariwa pa rin ang trahedyang iyon sa ala-ala ng mga naulila, mga survivor at pamilya ng mga naging biktima. Para bang, kahapon lang nangyari.
Kaya hindi natin masisisi ang ilan sa ating mga kababayan, kapag napapag-usapan o kaya naman ay nakaka-balita sila tungkol sa lindol spagkat nagkaroon kasi ng tinatawag na“psychological effect” o trauma sa mga mamamayan angtrahedyang idinulot nito, mas mahuhulaan pa natin kung kalian darating ang bagyo. Pero ang lindol, hindi.
Dahil diyan, hindi maiiwasang ma-paranoid ang ating mga kababayan. Kaya naman puspusan ang ginagawa ng pamahalaan para mapawi ang agam-agam ng mamamayan tungkol sa lindol,sa pamamagitan ng “information campaign” o ang mga dapat gawin sa oras na magkaroon ng lindol.
Mismong Philvocs na ang nag-sabi, na hindi na dapatmangamba ang mamamayan, tungkol sa pagdating ng The Big One sa Metro Manila. Dahil ayon sa kanila, “The string of earthquakes that shook several areas across the country recently has no connection with the West Valley Fault System (WVFS) that cuts through Metro Manila which experts warn will generate a devastating temblor dubbed as The Big One”.
Ang “verbatim statement” na ng Philvocs ang inilagay natin, para naman mapanatag na ang kalooban ng ating mgakababayan tungkol sa “The Big One” para na rin makatulog na sila ng mahimbing at hindi na masyadong mabagabag sa sinasabing pagdating ng malakas na lindol.
Ang natatandaan ko, si dating Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang isa sa masigasig na nangangampanya tunkol sa sinasabing pagdatingng The Big One ditto sa Metro Manila. Pere hindi naman pala The Big One ang dun ating kundi “The Big Night” makaraang masangkot si Chairman sa isang kontrobersiya sa pagsisimula ng kampanya. Tandaan: Ang tao’y nilalang na politiko pero mas madalas ang politiko’y nanlilinlang ng tao! (Twitter: follow@dspyrey)