Ngayong Romblon na ang isa sa mga summer destination at summer goals ng ilang mga turista sa buong Pilipinas, huwag papalampasin ang patok na patok na Island Hopping sa bayan ng Calatrava sa Tablas Island, Romblon.
Pwede mong puntahan ang mga lugar na Turtle Cove (dating Paksi Cove Resort) kung saan pwede kang mag-stay overnight sa kanilang magagandang rooms at cottages o di kaya ay kumain sa mga masasarap nilang Island meals, Lapus-Lapus Beach kung saan mo makikita ang napakalinis tahimik at napakalinis na beach sa buong Calatrava.
Sunod mong puntahan ang Tinagong Dagat, ito’y isang tagong lugar malapit sa napakagandang Guindawahan Island kung saan pwede kang mag cliff diving sa mga matataas na bato.
Kahit saang bahagi naman ng mga nabanggit na lugar ay pwede kang mag freedive o di kaya’y mag snorkeling at panoorin ang iba’t ibang nagagandahang uri ng isda.
Habang nasa biyahe naman makikita mo ang iba’t ibang hugis o rock formation ng mga bato sa gilid ng dagat, mayroong mukhang turte, o di kaya’y mukhang sasakyan at mga buildings.
Pagkatapos ng Island Hopping, huwag mo namang kakalimutan mag-selfie sa landmark ng Calatrava o di kaya’y sa Calatrava Municipal Park and Museum.tour
{googleads right}
Ang article na ito ay bahagi ng Summer Special 2017 ng Romblon News Network featuring places to visit in Romblon, Philippines.