Malapit sa Isla ng Boracay, kaya sinisimulan ng dayuhin ng ilang banyaga ang probinsya ng Romblon.
Sa bayan ng San Andres sa Tablas Island, ilang banyaga ang nagpalipas ng kanilang summer break sa isang tahimik na resort sa lugar. Ito ay Footprints Beach Resort na matatagpuan sa Barangay Agpudlos ng nasabing bayan.
Malinis ang dagat sa lugar kahit na kulay itim ang kanyang buhangin. Sariwa rin ang hangin dito dahil malayo ito sa kalsada kung saan madaming sasakyan; kaya ang mga banyagang ito, nakuha pang mag sunbathing.
Maliban sa paliligo sa dagat, pwede ring mag boating at snorkeling sa dagat.
Para naman sa mga lokal na gustong pasyalan ito kasama ang pamilya ngayong summer, tiyak mag-eenjoy kayo dahil libre ang entrance fee dito at tanging cottage lang ang babayaran sa halagang 500 pesos.
Pwede ring mag overnight stay sa lugar sa murang halaga lamang kada kwarto at para naman sa mga backpackers pwedeng magdala ng tent.
Ang article na ito ay bahagi ng Summer Special 2017 ng Romblon News Network featuring places to visit in Romblon, Philippines.