Mas lumakas pa ang Tropical Depression Crising habang ito ay papalapit sa landmass ng Pilipinas.
Ayon sa 4 a.m. weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 220 kilometers east ng Guiuan, Eastern Samar. Taglay nito ang lakas na 55kph na may bugsong 68kph.
Dahil sa bagyo inilagay na sa Signal 1 ang lalawigan ng Romblon kasama ang mga probinsya ng Sorsogon, Albay, Camarines Sur, Catanduanes, Burias Island, Masbate including Ticao Island, Aklan, Capiz, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, at ang northern portion ng Leyte.
Ayon sa PAGASA maaring makaranas ng flashfloods at landslide ang mga lugar na nasa signal number 1. Maaring makaranas rin ng matataas na alon ang mg alugar na nasa open sea.
Ang mga galaw ng bagyo ayon sa PAGASA ay:
- 70 kms west of Masbate City, Masbate by Sunday morning,
- 200 kms northwest of Coron, Palawan by Monday morning,
- 310 kms west-southwest of Iba, Zambales by Tuesday morning, and
- 340 kms west-northwest of Iba, Zambales by Wednesday morning.