Tumanggap ng aabot sa Php 100,000.00 ang 104 taong gulang na si Lola Maria Mendez Cajilig ngayong araw sa munisipyo ng Alcantara sa Romblon.
Galing umano ang pera sa opisina ng Department of Social Welfare and Development.
Si lola ay nagdiwang ng kanyang ika-104 na kaarawan noong March 15, 2017 na nauna ng naibalita sa Romblon News Network.
Sa kanyang kaarawan, nagawa pa ni Lola na umihip ng kandila sa kanyang handang cake; pahiwatig na malakas pa si Lola at nakakaya pang maglakad.
Ang pagkakaloob ng P100,000 kay Lola Maria ay bahagi ng bagong batas na pinirmahan noong panahon ni Pangulong Aquino, ang Republic Act 10868 o an act honoring and granting additional benefits and privileges to Filipino centenarians, and for other purposes.
{googleads right}