Sa kabila ng kapansin-pansin at unti-unting pagkatuyo at pagkamatay ng ilang puno ng niyog sa ibat-ibang bahagi ng bayan ng Sibale, kinompirma kahapon ng mga bumisitang kawani ng Philippine Coconut Authority (PCA), na hindi ang kinatatakutang salot na cocolisap ang sanhi nito.
Siniguro din ng mga taga PCA sa mga nangangambang residente na wala pang naitatalang cocolisap ang nakarating na at nananalasa sa palibot ng bayan.
Dagdag pa nila, marahil ang pagkatuyo daw ng mga dahon ay sanhi lamang ng pabago-bagong panahon at ang nararanasang matinding init ngayong taon na normal lamang nangyayari kaya wala daw dapat ipag-alala ang mga residente.
Tila nabunutan naman ng tinik at nawala ang pangamba ng mga residente sa naging resulta ng pag iimbistiga ng mga taga PCA. Nagpaabot din sila ng pasasalamat sa mabilis na naging aksyon ng lokal na pamahalaan at PCA hinggil sa kanilang ipinaabot na problema. Chat