Aabot sa isang libong migratory birds na egret o tagak ang kasalukuyang naninirahan sa isang bakawan sa Barangay Budiong, Odiongan, Romblon.
Nakunan ang mga tagak ng isang pambiharang drone video nitong araw ng Easter Sunday.
Ayon kay Engr. Raymund Inocencio ng Department of Environment and Natural Resources, kapag hapon umano pagdating ng alas-5 pumupunta ang mga tagak sa bakawan para magpalipas ng gabi pag dating naman umano ng umaga pumupunta ang mga tagak sa iba’t ibang bukirin sa Romblon para maghanap ng pagkain.
Sinabi rin ni Inocencio na year round naman umano nandito ang mga tagak, matagal na umano silang nag migrate dito sa Romblon galing umano sa bansang America at Europa.
Dagdag ni Engr. Inocencio, maliban sa mga tagak meron rin umanong Philippine Wild Duck sa lugar.
Dapat rin umanong ma-ideklara na Bird Sanctuary ang lugar para mapangalagaan ang mga ibon.