Libre na at walang bayad ang mga burial services sa mga pinaka mahihirap na pamilya sa bayan ng San Agustin matapos na ipasa ng Sanguniang Bayan ang bagong ordinansa na may number 7-2016.
Layunin nito ang mabigyan ng agarang tulong ang bawat pamilyang walang kakayahang pinansyal para sa marangal, maayos at disenteng serbisyo sa kanilang patay ng sa gayon ay magkaroon ang bawat pamilya ng kapanatagan ng loob na kahit sa huling sandali ay maituon nila ang kanilang mga ala-ala sa kanilng namayapang mahal sa buhay.
Hindi umano kasama ang lupa ng paglilibingan ng katawan ng patay ayon sa pamunuan ng San Agustin Municipal Offce.
Ang nasabing programa ay handang ng Local Government Unit, at ang La Gunerarira San Antonio.