Summer Pasyalan ba sa Looc, Romblon ang hanap mo? Pwede mong puntahan ang sikat na resort na nakatago sa kakahuyan sa nasabing bayan, ito ang Cummings Highland Eco Park & WaterFun.
Matatagpuan ito sa Barangay Tuguis, Looc, Romblon malapit sa Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital.
Sa halagang P100 kada tao, maari ka ng mag tampisaw sa malawak nilang swimming pool na aabot sa halos 7 feet ang lalim.
May mga cottages rin sila na libre na mabibigay sa inyo kung may early booking o reservation kayo sa lugar.
Kung overnight stay naman ang hanap mo, may mga indian inspired rooms sila na nagkakahalaga lamang ng P1,000 – P1,500 kada gabi para sa dalawang tao.
Hindi lang swimming ang maganda sa lugar dahil pwede ka ring mamasyal sa buong compound at mag picture taking sa mga landscapes at dwarf villages sa loob ng resort. Tanaw rin sa lugar ang ganda ng Looc Bay.
Kung sports naman ang gusto mo, pwede rin kayong maglaro ng volleyball sa court nila at ginagawa na rin ang kauna-unahang mini golf course sa Romblon na matatagpuan mismo sa loob ng resort.
At siyempre ang mahalaga sa bawat resort, pwedeng pwede magdala ng pagkain at magluto ng BBQ sa loob.
Ang Cummings Highland Eco Park & WaterFun ay pagmamay-ari nina Wayne at Cynthia Cummings, tubong Canada na nanirahan na dito sa probinsya ng Looc, Romblon ng halos apat na taon na kasama ang kanilang mga anak.
Kwento ni Cynthia ng makapanayam ng Romblon News Network para sa feature na ito, sinabi niyang nakita nila umanong mag-asawa ang ganda ng Looc kaya pinili nilang manirahan dito.
Kada araw umaabot umano sa mahigit 50katao ang bumibista sa lugar para maligo, pero kalimitan umano ay magbabarkada o magpapamilya.
Ang Cummings Highland Eco Park & WaterFun ay bukas kada-araw mula alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Para sa reservation at bookings para sa events, pwede kayong tumawag o magtext sa 09087055383, 09351865775, o 09169755170.
Ang feature article na ito ay bahagi ng Summer Special 2017 ng Romblon News Network featuring places to visit in Romblon, Philippines.