Aabot sa 289 bd.ft ng iligal na nayagaring kahoy ang nasabat ng mga awtoridad sa isang operasyon sa Sitio Cabitangahan, Brgy. Taclobo, San Fernando, Romblon nitong February 24.
Ang raiding team ay binubo ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources – Romblon kasama ang mga tauhan ng San Fernando Municipal Police Station at Romblon Provincial Public Safety Company.
Ayon sa San Fernando Police, hindi na nila naabutan kung sino ang may-ari ng mga nasabing kahoy na may market value na aabot sa mahigit P8,000.
Dinala na muna sa San Fernando Municipal Police Station ang mga nasabing kahoy para doon itago.
Bahagi umano ito ng kampanya ng awtoridad sa bayan ng San Fernando laban sa mga iligal na pagtotroso.