Binaliktad ng Court of Appeals (CA) ang naunang desisyon ng tanggapan ng Ombudsman na dismissal from the service tungkol sa kasong administratibo na isinampa ni Ernesto Panes noong Marso 10, 2010 laban kay dating Mayor Juliet Fiel kung saan ay kinatigan ang petisyon ng huli na ipawalang bisa ang kasong administratibo na isinampa laban sa kanya. Ang nasabing desisiyon ay lumabas nito lamang Marso 1, 2017.
Ayon sa dispositive portion ng naturang Decision, nakalagay doon na, “WHEREFORE, the petition is granted. The Joint Resolution dated September 1, 2015 and Order dated January 29, 2016 of the Office of the Ombudsman in OMB-L-A-10-0228-C, which found herein petitioner Juliet Ngo-Fiel guilty of Grave Misconduct and Dishonesty is REVERSED and SET ASIDE. SO ORDERED.”
Ang naturang decision ay pirmado ni Associate Justice Francisco P. Acosta na inaprubahan naman nina Associate Justices Noel G. Tijam at Eduardo B. Peralta, Jr.
Nag-ugat ang naturang kaso ng kumuha ng walong (8) laborers ang munisipyo ng Looc upang magtrabaho sa ginagawang repair ng Office of the Mayor noong December 22 hanggang December 31, 2009. Kabilang umano sa mga kinuhang laborer ay isang Domingo Ducog.
Noong Marso 10, 2010, nagsampa ng kasong Falsification of Official Documents at Payroll Padding sa tanggapan ng Ombudsman ang noo’y Sangguniang Bayan Member na si Ernesto Panes dahil pinalabas umano ni Fiel at Gervacia Sta. Maria, Disbursing Officer, na nagtrabaho si Ducog gayung hindi naman umano ito aktwal na nagtrabaho sa nasabing repair ng opisina ng mayor ngunit nakalagay umano ang pangalan nito sa payroll na binayaran naman ng munisipyo.
Noong September 1, 2015, naglabas ang tanggapan ng Ombudsman ng Joint Resolution ng criminal and administrative charges kung saan nakalagay doon na guilty sina Juliet Fiel, Sta. Maria at iba pa sa kasong Grave Misconduct at Serious Dishonesty.
Noong January 29, 2016, nagsampa ng magkahiwalay na Motion for Reconsideration sina Fiel at Sta. Maria at doon ay kinuwestyon ng una ang paglabas ng desisyon ng Ombudsman finding the administrative liability against her (Fiel). Ang naturang mosyon ay tinaggihan ng Ombudsman.
Dahil dito, nagsampa ng petition for review sa tanggapan ng Court of Appeals si Fiel.
Ayon kay Fiel, dahil ang Job Order ay ginawa umano ng Administrative Officer IV, Municipal Budget Officer at ng Municipal Engineer, patas lamang umano at makatarungan na umasa siya na tama ang ginagawa ng kanyang mga subordinates dahil sila rin umano ay mga accountable officers. Hindi rin umano makatarungan na siya ay hatulan dahil sa hindi nya inusisa ang pirma sa payroll at DTR dahil dumaan na ito sa mga accountable officers bago pa nya pirmahan ang voucher. Bunsod nito, pinaburan ng CA ang petition ni Fiel.
Ayon pa sa bahagi ng desisyon ng CA, nakasaad doon na “x x x In this case, it was satisfactorily shown that Ngo-Fiel had no active participation in the selection and hiring of contractual laborers as the same pertains to the sole responsibility of the municipal engineer. Ngo-Fiel had no hand in supervising the laborers and in certifying that they reported for work. In fact, the DTR individually prepared by the laborers was not verified as to the prescribed office hours by Ngo-Fiel herself, but by the municipal engineer as the officer-in-charge. Therefore, the Job Order and the DTR, both of which bore the approval and certification of the officer in charge, are reasonably presumed to be regular. What is more, the Job Order and the DTR, presumed to have been regularly accomplished by the officer-in-charge, were the basis of the payroll.”
Ang nasabing payroll kung saan nahatulan ng dismissal from the service si Juliet Ngo-Fiel, ay nagkakahalaga lamang ng P1,250.00.