Isang patay na manta ray ang natagpuan ng mga estudyanteng kabataan sa baybayin ng Barangay Tabing-Dagat, Odiongan, Romblon nitong hapon ng March 02.
Ayon kay Francine Foja, akala umano nila ay bato lang na maputi ang nasabing manta ray hanggang sa kanila itong lapitan at mapansing may mata ang nasabing bagay.
Mabaho na umano at patay na ang manta ray ng kanilang malapitan. Mukhang naagnas na rin umano ito ng kanilang makita.
May haba umano ang nasabing manta ray ng halos 20 inches.
Pinabayaan nalang umano nila ito matapos nilang makunan ng video dahil hindi naman umano nila alam ang gagawin.
Ang manta ray o kilala ring ‘gentle giant’ ay kabilang sa mga listahan ng endangered species.
Ang paghuli sa iba’t ibang uri ng marine spices na kasama sa lahi ng manta alfredi at manta birostris ay ipinagbabawal sa batas na nakasaad sa Republic Act No. 9147 at Fisheries Administrative Order (FAO) 193.