Kasong election protest ni dating Mayor Robert Fabella labans sa nakaupong Congressman ng Romblon ngayon na si Emmanuel Madrona sa House of Representative Electoral Tribunal (HRET), terminated na matapos ang halos 15-minutos na trial hearing.
Ayon sa source, mismong si Associate Justice Presbitero Velasco, Jr. ang nagbasa ng termination.
“As per Section 40 of Omnibus Election Code, any election protest with less than one thousand contested vote difference will be terminated and the case on hand will proceed into manual recount as petitioned by the petitioner Fabella,” pahayag umano ni Associate Justice Presbitero Velasco, Jr. ayon sa source.
Ibig sabihin umano nito ay itutuloy ang manual recount sa nangyaring botohan noong Election 2016 sa pagka-Congressman ng lalawigan ng Romblon.
{googleads right}
Inaasahan umano ng kampo ni dating Mayor Robert Fabella na matatapos ito sa lalong madaling panahon dahil aabot lamang sa 40 contested precinct ang kanilang bibilangin.
Sa datus ng COMELEC Board of Canvasser na nakuha ng Romblon News Network nitong 2016, aabot lamang sa 255 votes ang lamang ni Madrona kay Fabella na nakakuha ng 56,228 votes nitong May 2016 Elections.