Ginunita kahapon, March 12, ang ika-tatlong commemoration activity ng Battle of Simara sa Tanroaw Friendship Park, Corcuera, Simara Island, Romblon.
Sinimulan ang programa ng isang pagsasadula ng Battle of Simara na nangyari noong March 1945 sa panahon ng World War II.
Naging panauhing pandangal naman sa nasabing aktibidad si Mr. Ismael Fabicon.
{googleads left}
Ayon sa history, March 1945 ng magsagupaan sa Simara Island ang mga sundalo ng Pilipinas at United States of America laban sa mga Japanese na nanakop ng mga panahong iyon. Sa bundok ng Tanro-aw umano nagkampo ang mga Japanese military noong World War II. Matapos ang mahabang panahon, ginawang Friendship Park ng mga taga-Simara ang Tanro-aw Hill.