Aabot sa anim katao sa bayan ng Magdiwang, Sibuyan Island, Romblon ang naaresto ng mga tauhan ng Magdiwang Municipal Police Station dahil sa paglabag sa Republic Act 7942 o mas kilala bilang Philippine Mining Act of 1995.
Ang mga naaresto ay pawang mga residente ng Magdiwang, Romblon kung saan tanging pagmimina lang umano ang hanap buhay. Kasama ring naaresto ng mga kapulisan ang isang menor de edad na 16 taon palamang ang edad.
Lumabas rin sa imbestigasyon ng pulisya na ang isa sa mga nadakip na kinilalang si Agustin Roa Fajarito ay wanted person dahil sa kasong Acts of Lasciviousness in relation sa RA 7610.
Nakuha naman sa lugar na pinagmiminahan ng mga suspek sa Sitio Dulangan Maliit, Barangay Ipil, Magdiwang, Romblon, ang ilang gamit pangmina katulad ng generator, water pump, ilang switch box, electrical wire, at container na may lamang crude oil at dalawang sakong may lamang mineral ore.
{googleads right}
Ayon sa kapulisan aabot sa P1,000,000 ang halaga ng mga nasabat na gamit.
Dinala na ang mga suspek sa Magdiwang Municipal Police Station para sampahan ng kaukulang kaso.