Nasa lalawigan ng Romblon ngayong linggo ang TESDA MIMAROPA on Wheels ng TESDA Region 4B para magbigay ng mabilis na pag process sa iba’t ibang papeles na pwedeng kunin sa Technical Education and Skills Development Authority.
Ayon kay TESDA MIMAROPA Regional Director Carlos Flores, mag-iikot sa lahat ng isla sa lalawigan ng Romblon ang TESDA MIMAROPA on Wheels ngayong linggo.
Malaking bagay umano ang TESDA MIMAROPA on Wheels dahil minsan umano ay umaabot talaga ng halos anim na buwan bago makuha ang isang papeles pero ngayon kayang ibigay ng agaran dahil mismong ang regional office na ang pumunta sa Romblon para rito.
Ilan sa mga services ng TESDA MIMAROPA on Wheels ay ang Program Registration, NTTC Application and Releasing, Scholarhip Grants and MOA Signing, Complianace Audit, Accreditation of Assessment Centers, Online Application System for TESDA Training and Scholarship Program, Online Application for Barangay Kasanayan Para sa Kabuhayan at Kapayapaan (BKKK), at iba pa.
Layunin umano ng TESDA Region 4B na bigyan ng serbisyon on-wheels ang iba’t ibang probinsya sa MIMAROPA Region para sa mabilis na pagproseso ng iba’t ibang papeles.