Nais ng isang konsehal ng bayan ng Odiongan na ilayo sa Odiongan Public Market ang mga itatayong Supermarket sa munisipyo sa mga susunod na taon.
Nagpasa na umano si Sanguniang Bayan member Nicky Faderogao ng resolusyon sa Sanguniang Bayan ng Odiongan kaugnay sa plano niyang ito.
Ayon kay Faderogao ng makapanayam sa programang Mata ng Bayan ni Emmanuel Eranes sa Radyo Natin Odiongan 101.3 nitong Sabado, February 18, dapat malayo sa palengke ang mga itatayong supermarket para narin umano ma protektahan ang maliliit na tindahan at enterpreneur sa bayan ng Odiongan.
“..ang tinitingnan naman naman namin doon as a whole ay ang mga maliliit na negosyante, kasi kapag dinikit mo naman talaga ang isang mall jan ay talagang (makakaapekto),” pahayag ni Faderogao.
Ang pahayag na ito ni Faderogao ay kasunod ng balitang nagpaplano na ang isang sikat na mall sa Metro Manila na magtayo ng mall sa Odiongan, Romblon.