Apat na sasakyan na ang na rekober ng mga tauhan ng Philippine National Police Highway Patrol Group – Romblon sa lalawigan ng Romblon na may kaugnayan sa Rent-To-Sangla Modus.
Ayon sa mga nakakuha ng sasakyan dito sa bayan ng Odiongan, nagbayad umano sila ng P350,000 para makapag lease ng sasakyan.
Ayon sa mga kumuha ng sasakyan na tumangging humarap sa camera, hindi umano nila alam na scam pala ang mga sasakyang nakuha nila.
Hindi umano sila makapaniwala dahil ang nag-alok umano sa kanila ay kapatid ni Tychicus Historillo Nambio na si Manuel ‘Kim’ Nambio na nakapangasawa naman ng taga-Odiongan, Romblon. Kilala umano nila ang asawa ni Manuel Nambio kaya nagtiwala rin sila sa mababang offer nito.
Ayon sa mga nabiktima ni Nambio sa Romblon, balak umano nilang magsampa ng kaso laban rito.
Ayon naman kay OIC PNCO Dindo Rivas ng PNP-HPG Romblon, hindi muna nila ilalabas ang mga sasakyan sa impounding area hanggat walang direktiba sa taas.
Marami pa umanong mga sasakyan sa Romblon ang kanilang minonominor na kasama sa Rent-To-Sangla Modus.