Ipinamahagi kamakailan sa mga magsasaka ng bayan ng Romblon ang abot sa 5,000 seedlings ng mangga, 4,000 na punla ng kape at 3,500 na punla ng cacao.
Ang mga nasabing punla ay galling sa tanggapan ng Department of Agriculture (DA) sa ilalim ng High Value Crop Development Program (HVCDP) na kanilang patuloy na isinusulong.
Ayon kay Raymund Juvian M. Moratin, OIC-Municipal Agriculturist sa bayan ng Romblon, bago ang pamamahagi ng mga nasabing punla ay kanila munang pinulong ang mga magsasaka upang maituro ang wastong pagtatanim at pag-aalaga nito.
Layuning ng HVCDP na palawakin ang taniman ng mangga, kape at cacao sa Romblon at matulungan ang mga magsasaka na mag-alaga ng ganitong uri ng pananim dahil sa kasalukuyan ay mataas ang presyo nito sa merkado (DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)