Isa lamang ang litratong ito sa mga nagpapakita kung gaano kahirap ang mode of transportation sa isla ng Sibuyan Island, Romblon.
Inirereklamo na ng mga residente ng nasabing lugar ang hindi pa natatapos na construction ng Sibuyan Circumferential Road.
Ayon sa netizen na nagbahagi ng kuhang ito sa Parao, Barangay Mabini, San Fernando, Romblon; marami na umanong natumba sa kadahilanang napakadulas ng mga putik na kalsada sa bahaging ito ng San Fernando.
“May matanda pa nga akong tinulungan habang ako’y pauwi, dahil natumba ang motor niya dahil sa dulas.” ayon sa netizen.
Pahayag naman ni DPWH-Romblon Construction Head Engr. Allan Salvador ng makapanayam ng Romblon News Network nitong Lunes, on-going pa rin naman ang construction ng Sibuyan Circumferential Road at patuloy ang kanilang monitoring sa mga accomplishment ng mga contractor.
“May mga pagkakataon talagang may delay, hindi kasi maiwasan yan.” ayon kay Engr. Salvador.