Maliban sa magagandang resort at sa Looc Bay Refuge and Marine Sanctuary ng bayan ng Looc; dagdag atraksyon sa mga turista at bisita sa lugar ang bagong bukas na prayer and meditation place sa Sitio Anggutan, Poblacion, Looc, Romblon, ang ‘Grotto De Banloc’.
Ang Grotto De Banloc ay nagsimula noong June 2015 bilang isang private meditation place para sa pamilya ni Jonathan Gaytano, residente ng Looc, Romblon hanggang sa dumating ang taong 2016 ng magdiwang ng kaarawan ang kanyang asawang si Virna, ay binuksan ito sa publiko.
Ayon kay Jonathan, idinevelop nila ang aabot sa halos 6-hectares na lugar sa Looc, Romblon bilang pag express ng kanilang thanksgiving para sa Panginoon.
“…on June 21st of 2015, I celebrated my 40th birthday and thought of doing something to express our Thanksgiving to God almighty by building up a Grotto in our place instead of spending money for a big party in a hotel with family and friends. Hence the birth of Grotto de Banloc.” ayon kay Jonathan.
Maganda ang lokasyon ng Grotto de Banloc lalo na sa gusto ang tahimik na lugar para manalangin o mag muni-muni. Pwede ring gawing picnic area ang lugar para sa mga pamilyang gusto magkaroon ng bonding o sa mga magkaka-trabaho na gusto magkaroon ng ‘team building’ activity.
“The purpose of the Grotto is to propagate the Holy Rosary, Prayers, Meditation and to Simply commune with nature.” pahayag pa ni Jonathan.
Atraksyon rin sa lugar ang magagandang fountains, iba’t ibang uri ng bulaklak, magagandang landscapes, at life-size 14 stations of the cross, at siyempre ang Grotto ng Our Lady of Lourdes.
Bukas sa at libreng pumasok ang publiko sa Grotto de Banloc mula alas-6 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi, araw-araw.
Para sa iba pang impormasyon, hanapin lamang si Shirley Gaytano sa (0928) 873 4062.