Bilang pagtugon sa COMELEC’s resolution at upang mapabilis ang pagpapatala, nagsasagawa ang Comelec ng Sibale ng satellite registration (SR) sa mga barangay tuwing araw ng Sabado para sa mga residenteng hindi pa nakakapag-parehistro at mabigyan din ng pagkakataon ‘yong mga na-deactivate ang account na ma-reactivate at makapagboto muli sa mga susunod na halalan.
Kasama rin sa mga pinapayagang makapagpatala ang mga kabataang may edad kinse (15) pataas o kahit ‘yong mga magkikinse pa lang ang edad bago mag Barangay at SK election sa darating na Oktobre 2017 ng kasalukuyang taon.
Nagsimula ang satellite registration na ito noong ika-28 ng Enero sa Brgy. Dalajican at magtatapos naman sa ika-8 ng Abril sa Brgy. Poblacion, bilang pinakahuling barangay.
Ang satellite registration ay pinangangasiwaan nina Ms. Methuselah Diola-Ang at Ms. Milette Faigmani-Enduma, kapwa mga election officers ng bayan ng Sibale, katuwang ang mga kapitan at opisyales ng barangay ng nasabing bayan.
Para sa kaalaman ng iba pang residente, narito ang mga schedule ng satellite registration sa bawat barangay:
Brgy. Dalajican – Enero 28.
Brgy. San Vicente – Pebrero 4.
Brgy. Masudsud – Pebrero 11.
Brgy. Masadya – Pebrero 25.
Brgy. Sampong – Marso 4.
Brgy. San Pedro – Marso 11.
Brgy. Bachawan – Marso 25.
Brgy. Calabasahan – Abril 1.
Brgy. Poblacion – Abril 8.
Lahat ng mga nabanggit na schedule ng SR ay isasagawa sa mismong Barangay Hall ng nakalistang barangay, sa ganap na ala una (1PM) hanggang ala-singko (5PM) ng hapon.