Nagsimula ng lumipad nitong Miyerkules, February 15, ang subsidiary ng Philippines’ leading airline na Cebu Pacific, ang Cebgo sa mga bagong nitong ruta; sa Tablas Island, Romblon at sa Masbate.
Tuwing Lunes, Miyerkules, Biyernes, at Linggo ang biyahe ng Cebgo sa Tablas Island gamit ang bago nilang ATR 72-600 aircraft; habang araw-araw naman ang biyahe ng Ariline patungong Masbate.
“CEB is very excited to begin flying to and from these destinations, knowing this move will provide everyjuan a more convenient travel option. We are especially pleased to be the only airline flying to the Marble Capital of the Philippines, Tablas, Romblon, on top of offering more seats available to and from Masbate,” ayon kay Cebgo President and CEO Alexander Lao.
“We believe that both leisure and business travelers alike will take delight in visiting these two places to further stimulate trade and tourism,” dagdag ni Lao.
Ayon sa Cebu Pacific, ang pinakamababa nilang one-way all-in year round fare galing Manila patungong Tablas ay PHP 2,439 habang PHP 1,879 naman galing Manila patungong Masbate.
“Likewise, the addition of these new routes will establish stronger cargo services within the area of Luzon, specifically in the Bicol and MIMAROPA regions,” ayon sa statement ng Cebu Pacific.