Ang bagong Community Fish Landing Center sa bayan ng Ferrol ay naipatayo na matapos maipasa at maapbrubahan ng Sangguniang Bayan ang Municipal Ordinance No. 10-2016.
Ang pangunahing may-akda ng nasabing ordinasa ay si Sangguniang Bayan Member Christian Ll. Gervacio na sinuportahan din ng kanyang co-sponsor na si SB Member Redante C. Prado.
Layon ng naturang ordinansa na ma-centralize ang pagdaong at pagbebenta ng mga huling isda at iba pang uri ng lamang dagat para sa ikabubuti ng mga consumers, mga namumuhunan at makadagdag kita rin sa lokal na pamahalaan.
Ayon sa may-akda ng ordinansa, sa ganitong paraan ay maiiwasan na ang direktang pagbebenta ng nahuhuli ng mga mangingisdang taga-Ferrol sa karatig bayan. Kadalasan aniya ay hindi na nakabibili ng isda ang mga lehitimong residente at nawawalan din ng kikitaing buwis ang LGU Ferrol sapagkat dinadala ito ng mga mangingisad sa mga kalapit bayan.
Ang mga mangingisdang pumapalaot sa karagatang sakop ng Ferrol ay kinakailangang dumaan sa Community Fish Landing Center para dito ibenta ang kanilang mga nahuling isda o makipagtransaksiyon sa mga namamakyaw.
Nagbabala rin ang LGU Ferrol sa mga nasasakupan nito na may nakalaang multa para sa sinumang lalabag o hindi sumunod sa nasabing ordinansa.