Inaresto ng San Fernando Police ang anim na mangingisda sa bayan ng San Fernando, Sibuyan Island, Romblon nitong Huwebes ng hapon matapos makuhaan umano ng mga awtoridad ng compressor na ginagamit bilang kasangkapan sa kanilang pangingisda.
Ang paggamit ng compressor sa lugar ay ipinagbabawal sa bisa ng Municipal Ordinance No. 35-B (An Ordinance Banning the Use of Compressor as Breathing Apparatus in any Fishing Activity).
Ayon kay Poliec Senior Inspector Elmer Fajel, Chief of Police ng San Fernando Municipal Police Station, nagsasagawa umano ang tropa niya kasama ang Bantay Dagat ng patrolya sa dagat against illigal fishing.
Pagdating umano ng grupo sa Barangay Azagra, malapit sa Crista De Gallo, nakita umano nila ang dalawang motorized banca lulan ang anim na mangingisda. Naaktuhan umano nila itong gumagamit ng compressor sa pangingisda.
Nakuha sa mga suspek ang dalawang air compressor at mga gamit rito, at limang kilong isda.
Agad na hinuli ang anim at dinala sa San Fernando Municipal Police Station. Nakalaya rin kinalaunan ang anim matapos na mag piyansa ng P3,000 kada isa.